Iba talaga mag-isip ang pinoy,pagdating sa negosyo. biruin mo naman,habang nagpagasolina ka,pwede ka rin bumili sa iba nilang paninda,katulad ng vinegar,soy sauce,at iba. at natawa na lang kami ng asawa ko,nung nakita namin ito.
Kaninang tanghali,pumunta kami sa isang park dito sa davao city. kaso lang,luma na ito,at di na magandang tingnan. pero,ang mas nagbigay sa akin ng pansin ang mga lalaking ito...kung sila ba ay nangingisda o may gimikan?
Ito ang waterslide ng bluejaz resort na malapit na matapos,na para lamang sa mga adults. pero sa mga katulad ko na takot,kung pwede sana...sa kids slide na lang ako...hehehe
Ito ang pangalawa kong sakay ng ferryboat na tinatawag nilang RORO(roll in-roll out. nung una,natakot talaga ako,kasi naman... ang katabi namin sa loob ng ferry noon,truck na may maraming karga na bakal,at buses na puno ng tao,at iba pa. pakiramdam ko malulunod na yata kami,dahil sa sobrang dami ng karga ng ferry.