Natawa☺ ako,nung dinala ito sa amin,isang napakalaking pizza....na karga karga ni kuya. dahil sa laki niya,sinakop niya ang buong mesa. at kahit marami kami,di pa rin namin naubos....dahil nga,sa sobrang laki niya. kung di ako nagkakamali,galing yata ito sa calda pizza. basta,dinala ito ni kuya,na malahiganteng pizza.
Nagpunta kami ng paradise beach. pagkasakay namin ng bangka,maya-maya...naku!nakakatakot ang mga alon. ang bangka,parang lumilipad na sa lakas ng alon,at tinuboan talaga ako ng nerbyos! pero,okey lang...sulit naman ang mga oras na andoon kami sa beach.dahil,masaya ang buong pamilya☺
Isa sa mga napuntahan namin ngayong bakasyon,ang tinuy-an falls,na matatagpuan sa bislig surigao del sur. napakalayo kung iyong iisipin,pero,napakagandang tanawin!
Buo ang aming linggo,kapag...kami ay nakapagsimba. at masaya rin ang aming linggo,kapag nakakain ng arrozcaldo,at samahan mo pa ng tokwa't baboy o di kaya tokwa lang.
Maganda ang panahon kahapon nung papunta ako sa SM davao.dahil nakikita ko ang mt.apo kahit malayoan. pero,nahihirapan akong kunan,dahil sa bilis ng taxi,madaming sasakyan sa daan na nakaharang,at higit sa lahat,sa likuran ako ng driver nakaupo. at ang mahirap pa,nag-biglang liko si manong driver,kaya....nawala.
Ito ang pinaka-malaking eroplano na dumadating sa davao airport,tuwing 11:30 am at 5:30 pm,sa pagkakaalam ko. kasi,tuwing dumadaan na ito,ang door namin,biglang sarado,ang mga kurtina nagliliparan,kulang nalang...takip ng kaldero,lilipad na rin ito. at doon naman sa iba...deadma na lang...kung baga normal na ingay lang.
Di ko inaasahan,na makikita ko ang mga mayang ito,sa tabi ng aming bahay. nagkakataon kasi,na may isang puno ng papaya,sa bakanteng lote. at di ko rin inaasahan,na mapaakyat ako sa isang upuan,at nasilip ko ang mga mayang ito. at dahil mabilis mawala ang mga ito,di naman nila namalayan ang pagkuha ko. malayo nga lang...