24 April 2009

Aksidente sa Kalsada

Nadaanan namin ang aksidenteng ito,at di naman seryoso.
sa palagay n'yo,sino ang may kasalanan sa aksidenteng ito,ang taxi o ang nakamotorsiklo?

22 April 2009

Mt.Fuji

Maswerte talaga ako sa aming bakasyon this time,kase..dalawang beses kong nakita ang mt.fuji,sa magkaibang lugar ng japan.
nahirapan lang ako,dahil sa sobrang bilis ng bullet train.

ito yong una march 17,papunta kami ng shuzenji para sa white day concert ng aking asawa.

ito naman yong pangalawa april 03,nung papunta kami ng kobe,osaka at kyoto.

21 April 2009

Japanese Taxi

Super malinis talaga ang japanese taxi,wala akong nakita na dumi sa kanilang upuan,at lalong di ko nakita na sira ang pintuan.
at higit sa lahat...marunong silang pumipila at maghintay.

18 April 2009

Coin Laundry

Kapag nasa bakasyon kami ng aking asawa,di namin maiwasan ang dami ng aming labada.
kaya,tuwing di magkasya ang aking mga labada sa washing machine ng aking kuya,dito ko ito dinadala sa coin laundry.
kaso lang,kailangan mo ng mahabang oras ng paghihintay,lalo na sa dryer,sobrang tagal...matapos.
pero this time,pinaiiwas muna ako,ng aking kuya na pumunta doon,baka raw kasi,makatiming ako ng badboys na makasama ko doon sa loob ng coin laundry.

Itong malaki na washing machine 300 yen,maliit 200yen.

Gas dryer,computer controlled.depende kung ilang minuto mo s'ya patuyuin.
ako hinuhulog ko na coins 400yen,para 40 minutes.

17 April 2009

Panahon ng sakura

Hindi naging maganda ang timing sa panonod namin ng sakura,dahilan nito ang kakaibang weather ng japan,kaya nahirapan kami,kung anong araw maganda panoorin ito.
mabuti na lang,dalawang araw bago kami umuwi dito sa pinas,naranasan ko pa... panoorin ang buong kagandahan ng sakura tree.
kaya heto,ang kakaibang ganda ng sakura tree!!!



16 April 2009

Hagdanan...Branded!!

Pwede pala,ganito kabranded ang hagdanan mo.hehehe!!!
ang mga japanese nga naman...magaling maghikayat ng mga costumers.
biruin mo,kapansin pansin ang mga ginawa nila.

12 April 2009

Huling Tanghalian

Dahil,last day na ng aming bakasyon,kumain kami ng tanghalian sa isang ramen restaurant.pagkabalik namin galing doon,napansin ko ang kagandahan ng isang flower na ito.
kaso lang,di ko alam ang pangalan.

11 April 2009

Japanese Style

Habang hinintay ko,ang aking kasama na gumamit ng toilet.
Napansin ko ito,sa akala ko,display lang s'ya...hugasan pala ng kamay.