18 June 2011

Jobs Fair

Last month,ko pa ito na kuha.
at dahil mahirap dumaan sa dami ng tao,lalo na sa bandang likuran,nakiusyoso ako sandali kung anong meron?
ayon,nakita ko may job fair pala sa araw na yon.
at sa eksena na nakita ko,sobrang dami talaga ng tao,na gustong magkatrabaho.at
dito lang yon sa davao,ano kaya kung i-total natin lahat,ang mga taong walang trabaho sa pinas ngayon?
ilan kaya?

15 June 2011

Pizza

Natawa☺ ako,nung dinala ito sa amin,isang napakalaking pizza....na karga karga ni kuya.
dahil sa laki niya,sinakop niya ang buong mesa.
at kahit marami kami,di pa rin namin naubos....dahil nga,sa sobrang laki niya.
kung di ako nagkakamali,galing yata ito sa calda pizza.
basta,dinala ito ni kuya,na malahiganteng pizza.

14 June 2011

Ma-alon na Panahon

Nagpunta kami ng paradise beach.
pagkasakay namin ng bangka,maya-maya...naku!nakakatakot ang mga alon.
ang bangka,parang lumilipad na sa lakas ng alon,at tinuboan talaga ako ng nerbyos!

pero,okey lang...sulit naman ang mga oras na andoon kami sa beach.dahil,masaya ang buong pamilya☺