30 July 2009

World of Fun

Ang saya namin kahapon ni meg(sorry kuya,sinama ko si meg,baka kase di mo alam at ngayon nalaman mo na.hehehe!)
pagkatapos namin naglunch sa panscake house,naisipan namin...na pumunta sa 3rd ng SM,kung saan,andoon ang world of fun.
unang subok namin dito,pagkahulog ng bola,kung suswertehin ka,makakuha ka kaagad ng maraming tickets,pero kung mamalasin ka man,sorry ka na lang.


pero kaming dalawang ni meg,di kami swerte,di rin naman kami malas.
dahil nakakuha kami ng 75 tickets,bawat isa sa amin,at may bonus play pa.

yong iba,ayaw namin..dahil masakit sa kamay,tuwing pinapalo namin.



Pagkatapos,pinabilang na namin sa staff dito,akala namin,tapos na kami.
yon pala..hindi pa.

nadaan kase namin ito palabas,maghulog ka lang ng one peso,tapos yon ang pantulak mo,para mahulog mo rin ang nasa unahan na peso,at makakuha ka ng tickets.
pero,ang lagi namin pinagkainteresan,kung paano namin,ihulog ang elepante,at hindi ang peso.hehehe!joke lang po.

29 July 2009

Kalachuchi

Kahapon,habang naglalakad kami sa labas ng davao airport pagkagaling namin sa pal office.
nagrerelaks lang po,dahil sa bising skedyul namin kahapon.


Bisaya CornerSimple Shotskalachuchi

28 July 2009

Marco Polo Davao


Kung hindi ako nagkakamali,ito lang yata ang pinakamataas na building sa buong davao city.

27 July 2009

Ingay ng Ibon

Sa umaga,naririnig ko ang ingay ng mga ibon,pati na rin sa hapon.
pero,nagtataka lang ako,kung ba't gustong gusto nila dito.

21 July 2009

Pinagtripan...

Pinagtripan ko kahapon ang isang cute na spider.
gusto ko siyang palabasin sa kanyang pinagtataguan,kaso lang...ang hirap...pero sa wakas...

Nakombense ko rin siyang palabasin sa kanyang longga.

19 July 2009

Garlic and Shrimp Pasta


Ito ang lagi naming order sa pizza hut,garlic and shrimp pasta,maliban sa kanilang pizza.
kayang lang..nung nagtanghalian kami,iba ang pagkatimpla,maalat...sobra...
pero kahit ganun pa man,naubos pa rin namin.

18 July 2009

Panggatong


Ito ang maganda na panggatong,siguradong malakas ang apoy nito.
at masarap ang luto dito.

14 July 2009

Lunch Daw Namin...

Lunch daw namin,pero di ko kinaya...dahil napakain ako ng haponan ng napakaaga.
ito lang sa akin,banana wallnut muffin at iced caffe latte.

tapos sa aking asawa,coffee caramel crumble at iced caffee.

08 July 2009

Mga Batang Pasaway


Alam n'yo ba,kung bakit pasaway ang mga batang ito.
Nagtapon ng balat ng santol,at sa aking ulo tumama,habang kami'y naglalakad sa lugar nato.
at ang sakit ng ulo ko,dahil ang santol na kinain nila,hindi pa hinog at makapal pa ang balat,naiinis ako...pero wala naman akong magawa.dahil ang mga ito ay bata,at maaaring di naman nila sinadya.

07 July 2009

Fujiya Pancake


Ginugutom ako tuwing nakikita ko ang pancake nato sa aking picture folder.
naalala ko ang sarap at lambot nito parati.

06 July 2009

Nakikinood ng TV

Ganito din ako noon,sa edad na walong taong gulang.nakikinood ng tv sa kapitbahay,dahil wala kaming tv sa bahay.

minsan natatakot ako baka may aso,pero dahil gusto ko,binabaliwala ko na lang ito.

Thank you sa aking asawa,dahil s'ya ang kumuha nito.

04 July 2009

Paalala na Walang Silbi

Walang silbi ang toilet na to.
naglagay ng paalala,ni kapirasong sabon wala akong nakita.

naghugas pa naman ako ng kamay,dahil galing ako sa loob ng groserihan,tapos,kakain na kami ng haponan.
hay naku.....naku.....

01 July 2009

Walis Nililinis


Ito ang ginawa ko kahapon,ang panglinis na walis aking nililinis.
napag-isip isip ko na dapat pala ang walis nililinis,para malinis kung ikaw ay nagwawalis.
ang una kong ginawa,binasa ko muna at nilagyan ng zonrox pang de color,tapos babad ng kunti at tsaka tinanggal ang mga nakasabit na buhok sa walis.
kaya ngayon,super linis na ang aking walis.