27 January 2009

Gasoline Station

Iba talaga mag-isip ang pinoy,pagdating sa negosyo.
biruin mo naman,habang nagpagasolina ka,pwede ka rin bumili sa iba nilang paninda,katulad ng vinegar,soy sauce,at iba.
at natawa na lang kami ng asawa ko,nung nakita namin ito.

25 January 2009

Gimik o Pangingisda?

Kaninang tanghali,pumunta kami sa isang park dito sa davao city.
kaso lang,luma na ito,at di na magandang tingnan.
pero,ang mas nagbigay sa akin ng pansin ang mga lalaking ito...kung sila ba ay nangingisda o may gimikan?

07 January 2009

Waterslide

Ito ang waterslide ng bluejaz resort na malapit na matapos,na para lamang sa mga adults.
pero sa mga katulad ko na takot,kung pwede sana...sa kids slide na lang ako...hehehe

06 January 2009

Tapos na ang bakasyon

Tapos na ang bakasyon,kaya lahat balik na sa dating gawain.pati kalsada balik na rin sa normal...na traffic!

02 January 2009

Samal Island Ferry

Ito ang pangalawa kong sakay ng ferryboat na tinatawag nilang RORO(roll in-roll out.
nung una,natakot talaga ako,kasi naman... ang katabi namin sa loob ng ferry noon,truck na may maraming karga na bakal,at buses na puno ng tao,at iba pa.
pakiramdam ko malulunod na yata kami,dahil sa sobrang dami ng karga ng ferry.



31 December 2008

Linya Para sa Baso

Nung umpisa,akala ko kung anong nangyari sa kanila,dahil sa haba ng pila.
yon pala,dahil sa baso ng coca cola.

29 December 2008

Ang Saya ng Christmas sa Pinas

Ang dalawang araw na magkasunod na parties,ay masasabi ko talagang...nakakapagod,pero napakasaya.
pagkatapos ng parties,nanood na naman kami ng movie,at kinabukasan nagbeach na naman kami.


unang stop namin,bluejaz resort.


pangalawang stop,paradise island park and beach resort.
na sa sobrang layo nila sa isa't isa,pwede mong akyatin ang pader nila.hehehe
magkatabing resort lang talaga sila.

At bukas ibang party na naman...

25 December 2008

Maligayang Pasko!

Sobrang saya namin kagabi sa party,at heto ako ngayon...masyadong antok.
dahil kagabi matagal kaming nakatulog,tapos ngayong tanghali ibang party na naman ang aming pinuntahan.
Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Christmas comments at honeypiegraphics.com!
honeypiegraphics.com

24 December 2008

Christmas Party Tonight

Tonight,ang aming christmas party special.
dahil darating ang aming kapamilya at kapuso.yehey!
kaya ngayong umaga,lipat dito lipat doon ang ayos ng mga upuan at mesa.



23 December 2008

Victoria Plaza Mall

Kung naaalala n'yo ang post ko last november 26 and 27,ito ang dugtong ng kanilang giant christmas tree.

22 December 2008

Simbang Gabi

Kahapon,ang pangalawa kong umaga sa simbang gabi sa carmelite bajada.
after ng simba,nagbreakfast kami sa marco polo davao.
at pag-uwi namin,natulog ako ng bonggang bongga.


Ito ang kakaibang disenyo ng Marco Polo Christmas Tree

at ito naman,ang poolside view ng marco polo davao,sa malayo makikita mo ang Mt.Apo