04 July 2011

Japanese Taxi

Bongga talaga!ang taxi ng japan.
malinis....sobra!

naka-auto door pa,di mo kailangan buksan.

at may safety camera pa sa loob,navigator at kung anu-ano pa.

03 July 2011

Basura Na?

Kakaiba talaga dito sa japan,sa ganda nito,basura na?
at tingnan mo naman ang kanilang basurahan,mukhang sa loob lang ng bahay,malinis!

18 June 2011

Jobs Fair

Last month,ko pa ito na kuha.
at dahil mahirap dumaan sa dami ng tao,lalo na sa bandang likuran,nakiusyoso ako sandali kung anong meron?
ayon,nakita ko may job fair pala sa araw na yon.
at sa eksena na nakita ko,sobrang dami talaga ng tao,na gustong magkatrabaho.at
dito lang yon sa davao,ano kaya kung i-total natin lahat,ang mga taong walang trabaho sa pinas ngayon?
ilan kaya?

15 June 2011

Pizza

Natawa☺ ako,nung dinala ito sa amin,isang napakalaking pizza....na karga karga ni kuya.
dahil sa laki niya,sinakop niya ang buong mesa.
at kahit marami kami,di pa rin namin naubos....dahil nga,sa sobrang laki niya.
kung di ako nagkakamali,galing yata ito sa calda pizza.
basta,dinala ito ni kuya,na malahiganteng pizza.

14 June 2011

Ma-alon na Panahon

Nagpunta kami ng paradise beach.
pagkasakay namin ng bangka,maya-maya...naku!nakakatakot ang mga alon.
ang bangka,parang lumilipad na sa lakas ng alon,at tinuboan talaga ako ng nerbyos!

pero,okey lang...sulit naman ang mga oras na andoon kami sa beach.dahil,masaya ang buong pamilya☺



24 May 2011

Tinuy-an Falls

Isa sa mga napuntahan namin ngayong bakasyon,ang tinuy-an falls,na matatagpuan sa bislig surigao del sur.
napakalayo kung iyong iisipin,pero,napakagandang tanawin!

16 April 2011

Lake Agco

Doon sa mga nagbabalak pumunta ng lake agco,lalo na ngayon bakasyon.silip na!
Hot lake


Resort




Jacuzzi

Sauna

07 April 2011

Tokwa't Baboy

Buo ang aming linggo,kapag...kami ay nakapagsimba.
at masaya rin ang aming linggo,kapag nakakain ng arrozcaldo,at samahan mo pa ng tokwa't baboy o di kaya tokwa lang.