31 October 2008

Tulak-Tulak Car

Sorry na lang doon sa may-ari ng car na ito,kasi laking abala nga naman s'ya sa kalsada.kung may sasakyan kayo,sana siguraduhin n'yo lang na hindi magiging ganito,tulak-tulak car...


29 October 2008

Watermelon size

Habang tumatakbo ako,dahil sa lakas ng ulan,napansin ko ang kakaibang laki ng watermelon na ito sa isang tindahan ng mga prutas.katunayan may ibang shapes pa silang binibinta,katulad na lang ng hugis na square,sayang nga lang,di ko nakunan.
sana next time.

28 October 2008

Branded?

Kung sa ibang bansa,di gwardya at di susi ang mga brands na ito,dito pinas kahit saan pwede mong mahawakan.




27 October 2008

Beer Grande

Paano kaya kung totoong ganito kalaki ang beer?tapos tuwing october fest unlimited ang inuman,yon tipo na para ka lang nag-iigib ng tubig,kaya n'yo kayang subukan?

26 October 2008

Sarah Geronimo Collections

Gusto-gusto ko ang mga kanta ni sarah,dahil nagagandahan ako sa boses n'ya.
at nagagalingan naman ako sa mga composer ng songs nya,pati rin sa iba.na sikat pala na musician sa ibang bansa,na di ko alam,pero...alam na alam ng asawa ko.

25 October 2008

Halloween Costume Contest

Halloween nga naman talaga ang araw namin ngayon.kasi...unang-una,nanood kami ng high school musical sa Gmall,pagdating nami sa loob ng sinehan,biglang nawala ang kuryente,pero bumalik din naman.pangalawa,after namin nanood ng sine,naglunch naman kami na walang ilaw,ang sabi...naapektuhan daw ang linya ng kanilang ilaw dahil may inayos,pero bumalik naman kaagad ang kuryente.
at heto,ang totoong halloween sa lahat,costume ng mga kids super cute nga naman,talagang halloween costumes.


24 October 2008

Sarah Geronimo

Kararating lang namin galing nccc mall,dahil kay sarah geronimo.
nagpromote kasi siya ng isang produkto kaya siya andito.at pasensiya na kayo sa litrato ko,ang hirap kumuha lalo na pag-artista ang kunan mo,di ka maka-focus,nagsisiksikan.parati kong kuha,kamay o di kaya ulo ng tao.

23 October 2008

Sakura Design

Tuwing dumadaan ako sa building na ito,napapansin ko kaagad ang upuan na ito.
cute tingnan di ba?

22 October 2008

16 kinds

Kung titingnan mo,para siyang pagkain ng manok,pero hindi...sa tao talaga yan.
16 kinds ang klase ng seeds sa isang pakiti,na ihalo mo sa pagluluto ng kanin,kung sa lasa,wala naman pinagkaiba na malalasahan mo sa white rice.
yon nga lang,pagdi ka sanay kumain dito,iba nga lang ang tingin mo,pero sabi ng asawa ko,iba ang sustansiya ng seeds na ito.
di ko nga rin alam eh...basta kumain na lang ako.

Before ko niluto...


Luto na...

21 October 2008

Light Design

First time ko sa kanilang coffee shop,ito agad ang una kong napansin.

20 October 2008

Tateshina Mountain

Super malayo talaga ito sa tokyo...di ko alam kung ilang oras ang biyahe sakay ng isang train.
pero,hindi naman problema ang pagpunta namin doon,kasi meron naman kaming matutuluyan na isang resort house.
ang problema ko lang that time,sobrang lamig......talaga!
Nung,dumating kami dito sa resort,di ko na nga makita ang daan,kung may kalsada ba o wala.
pero kinabukasan,maswerte ako buong paligid nakita ko.
kahit gaano man kalamig kinaya ko,makahawak lang ako ng snow.

19 October 2008

Priority Seats

Umuupo ba kayo sa priority seats?sana naman hindi..
minsan,may tao talaga na matitigas ang ulo,kahit nakasulat na ginagawa pa rin.
naghintay nga ako ng train,pero hindi ako uupo dito,at lalong hindi ako nakatayo dito,napadaan lang po ako!

18 October 2008

Resort Guard

Nung time,na nagstay kami sa isang resort sa samal,ito lang yung guard nila.

17 October 2008

Restaurant Buzzer

Ang restaurant sa ibang bansa,di mo na kailangan sumigaw para tawagin ang waiter or waitress para makuha ang kanilang atensyon.
kasi ang ibang restaurant nila,may mga buzzer na...imbis na sumigaw ka pa,pindutin mo na lang ang buzzer,mas mabilis pa.

16 October 2008

DisneyResort Train

Alam n'yo ba na walang operator yan?kasi nung time na sumakay ako,wala talagang ibang tao,kung di mga tourista lang...na nakaupo!.

15 October 2008

Flower Photos

Love ko talaga,kumuha ng litrato...sa mga flower.pero di ko alam kung anong totoo nilang name.





13 October 2008

12 October 2008

Halloween na naman

Ano kaya ang pwedeng gawin sa araw na ito?bukod sa pagpunta ng cemetery.

11 October 2008

Bagong simula

Friends,pasensiya na kayo kung nawala ang blog pictures ko,pero kahit masakit sa akin,taggap ko na ngayon.sayang nga lang....