31 December 2008

Linya Para sa Baso

Nung umpisa,akala ko kung anong nangyari sa kanila,dahil sa haba ng pila.
yon pala,dahil sa baso ng coca cola.

29 December 2008

Ang Saya ng Christmas sa Pinas

Ang dalawang araw na magkasunod na parties,ay masasabi ko talagang...nakakapagod,pero napakasaya.
pagkatapos ng parties,nanood na naman kami ng movie,at kinabukasan nagbeach na naman kami.


unang stop namin,bluejaz resort.


pangalawang stop,paradise island park and beach resort.
na sa sobrang layo nila sa isa't isa,pwede mong akyatin ang pader nila.hehehe
magkatabing resort lang talaga sila.

At bukas ibang party na naman...

25 December 2008

Maligayang Pasko!

Sobrang saya namin kagabi sa party,at heto ako ngayon...masyadong antok.
dahil kagabi matagal kaming nakatulog,tapos ngayong tanghali ibang party na naman ang aming pinuntahan.
Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Christmas comments at honeypiegraphics.com!
honeypiegraphics.com

24 December 2008

Christmas Party Tonight

Tonight,ang aming christmas party special.
dahil darating ang aming kapamilya at kapuso.yehey!
kaya ngayong umaga,lipat dito lipat doon ang ayos ng mga upuan at mesa.



23 December 2008

Victoria Plaza Mall

Kung naaalala n'yo ang post ko last november 26 and 27,ito ang dugtong ng kanilang giant christmas tree.

22 December 2008

Simbang Gabi

Kahapon,ang pangalawa kong umaga sa simbang gabi sa carmelite bajada.
after ng simba,nagbreakfast kami sa marco polo davao.
at pag-uwi namin,natulog ako ng bonggang bongga.


Ito ang kakaibang disenyo ng Marco Polo Christmas Tree

at ito naman,ang poolside view ng marco polo davao,sa malayo makikita mo ang Mt.Apo

20 December 2008

Taxi..nag-uberheat!

Galing kami sa post office,after mga five minutes sa aming pagsakay,biglang huminto,at ang sabi ni manong driver,nag-uberheat.yon lang!
hindi man lang nagsorry sa abala.

18 December 2008

Samantha Thavasa Deluxe

First Gift ko na nataggap nitong christmas ay ang pinaka bonggang samantha thavasa bag,na pinadala sa akin ni katsumisan at mayumisan.ito ang special christmas edition ng samantha thavasa ngayon.
kaya,special din ang magiging gamit ko sa bag na ito,dahil pang-party lang talaga.


17 December 2008

Punong Kahoy

Bawat araw na dumadaan ako dito,napapansin ko talaga ang bulaklak ng kahoy na ito.
sa tuwing minamasdan ko siya,may bunga...pero tuwing nahuhulog naman,nagiging flower.
ewan ko talaga sa punong ito.kayo,alam n'yo ba ang pangalan ng punong ito?
ang ganda kasi ng flower..kaya natutuwa akong makita ito palagi.


16 December 2008

Busy Pa Ako

Gusto ko sanang bilhin si santa,kaso lang..sa sobrang laki walang akong mapaglagyan.
joke lang!
minsan lang ako maka-post sa blog ko ngayon,dahil nagiging abala pa rin ako sa ibat ibang bagay,katulad ng paglagay ng mga christmas lights,at pamimili ng mga kailangan nito,at syempre sa gawaing bahay.

13 December 2008

Bising Linggo

Last Monday,dumating ang asawa ko galing sa kanyang concert.
at habang ako naman bising-bisi sa paghahanap ng regalo para sa kanyang birthday kinabukasan.


Ito ang isa sa pinakahinihintay namin na pasalubong...ang oinarisan,na hello kitty ang design.
kaya si meg,tuwang-tuwa dito.


at kinabukasan,birthday na ng asawa ko,syempre may sorpresa ako sa kanya.pero secret lang po...tapos kinagabihan,nagdinner naman kami kasama ang aming kapamilya at kapuso,sa sarung banggi steak house.
isa sa pinakapaborito naming restaurant dito sa davao,bukod sa masarap ang pagkain dito,mag-enjoy din ang mga bata sa kanilang playground.
Megumi at winona,ang magpinsan.

Si Seiji paakyat sa slide,habang tinutulungan ng birhtday celebrant.


Pagkatapos ng bithday dinner ng asawa ko,ito naman ang sumunod...
kinabukasan ng gabi,party naman sa insular hotel davao,para i-celebrate ang 75th birhday ng emperor ng japan.
first time namin maimbitahan ng asawa ko,kaya go kami.



CHEERS!
isa sa mga guest ng party na ito ay ang,ambassador ng japan Makoto Katsuura at ang kanyang asawa,vice mayor ng davao city Sarah Duterte,at mga councilors.at iba pang naglalakihang pangalan ng ibat ibang sektor ng davao city.bongga!


Ipinakilala ni consul ang aking asawa sa ambassador ng japan at sa kanyang asawa.

Ganito ang style ng kanilang party,nakatayo...

Sila naman ang studyante ng Philippine Nekkei Jin Kai International School recorder group,ang siyang napiling tumugtog ng philippine at japan national anthem.

09 December 2008

Book Mobile

Naranasan n'yo ba manghiram ng libro sa mobile na ito?
ako Oo naman..kaso minsan lang pumupunta,pagkahiram mo,ang tagal pa bago makabalik.

08 December 2008

Awards Para Sa Akong Miga ug Migo






Gikuha nako ni nga awards gikan kay Lowela,Daghang Salamat Lowela...
Here's the rules:


Put the award logo in your blog
Add the link of the person who gave you this award
Nominate at least five blogs
Add the links of the nominees
Leave a message to the nominees


New Life World


My Little Home


Rockiedee's World


Filipino Life Abroad


Ways to keep and get his attention

Ipasa na ko ni sa mga friends nakong Tagadabaw:
Lowela,Jesica,Anne,Rockiedee,Weng

Manghuhula

Nasubukan n'yo na ba magpahula? ako hindi pa....
napadaan kasi ako dito,nung makita ko ang manghuhulang ito.at bawat tao,20 peso ang singil nito.

07 December 2008

Native Lanterns

Kung naaalala n'yo ang last post ko na shrimp lantern,kasali yon dito.
galing lahat ito sa municipality ng carmen davao del norte,at hindi galing sa davao city.
nagkataon lang,bumisita ako sa friend ko,at ipinasyal n'ya ako dito.
at mas pinili ko kunan ang mga native lanterns na ito,kasi kakaiba...at ito para sa mga taong sumubaybay sa blog ko.
at sana naman,magustuhan n'yo.







06 December 2008

Davao City Hall Mas Simply

Ang davao city hall ngayon,ay mas simply kaysa dati.
dati kasi,mas maliwanag,at naaaliw ang mga tao.
pero ngayon,mas tahimik na.



04 December 2008

Shrimp Christmas Lantern

Shrimp christmas lantern,unique di ba?
ito'y gawa sa sa ginit,na galing sa niyog.
click n'yo na lang ang picture ko,para..
maintindihan n'yo.

03 December 2008

Pinoy Style

Kapag di mo kayang bumili ng gasrange,electric stove,o kung ano pa.
mag-uling ka na lang...mura pa.

02 December 2008

Lumang Bahay

Nakakatakot naman yata,kung ganito kaluma ang bahay mo.
hindi dahil sa multo,kung di sa sunog...