30 June 2009
Kagabi...
Kagabi,nagdinner kami sa isang mall,dito sa davao.
ang order ko tocino,filipino favorites.
nung nag-order na ako ,ang sabi ko sa waitress,ihiwalay ang egg sa taas ng rice,at pakilagay sa platito,at ang sagot n'ya,opo!
pero nung dumating na...walang nagyari,ganito pa rin.
kung kayo,ang nasa katayuan ko,magagalit ba kayo o pagsabihan n'yo?
29 June 2009
Walang Magawa...
28 June 2009
27 June 2009
Pasensiya na..
Pasensiya na talaga mga friends,naghahanap kase ako ng mga layouts na simply,pero maganda.
salamat sa pang-unawa ninyo.
sa ngayon,aalis muna ako sandali,at sa pag-uwi ko,ibabalik ko kaagad ang mga sites n'yo.
Have a nice saturday!

Mukhang Cabbage
23 June 2009
Speed Humps
08 June 2009
Donut Style
02 June 2009
Japanese Garden
Maraming tao ang nagsidatingan sa japanese garden na ito,karamihan sa kanila mga lolo't lola,at grupo pa.
kaya,nung nakarating kami sa loob ng garden,bumulaga sa amin ang ganda ng sakura.
unang beses ko pa itong nakita sa buong buhay ko,kaya hindi ako nagsawang panoorin ito. kaso lang..ang daming nagpapicture,at parang hindi naman sila natatapos.
kaya,umalis na lang muna kami at inikot namin ang japanese garden na ito.
at napakalinis ang garden na ito,kaso lang...ang mga halaman nila,sa iba't ibang season namumulaklak,kaya ngayon puro green leaves lang ang nakikita ko.
sa bandang gitna nitong garden,meron silang tea house,pero puno naman ito ng mga tao,kaya...hanggang tingin na lamang po kami.
maliban sa mga tanim nila,marami din naman akong nakitang mga pagong,mga isdang pagkalakilaki,at mga lumalangoy na mga bebe.
sana sa ibang season makabalik ako dito sa rikugien garden.

01 June 2009
Araw ng Aming Bakasyon
Isa sa pinakasentro ng aming bakasyon,ang panoorin ang pamumulaklak ng sakura tree.
pero naging problema ito,dahil sa pabago bagong panahon,at tuloy nagiging sanhi ng kapalpakan sa aming schedules.
pagkatapos namin nagbreakfast sa nishimura,dito ang sunod naming destinasyon,ang himeji castle.
galing station nagtaxi pa kami,dahil ang akala namin malayo pa,pero pwede naman pala itong lakarin.
Nung nakarating kami sa may himeji castle,tsaka naman bumuhos ang ulan,kaya tuloy di ko nagawa ang gusto ko,na makapasok sa loob ng castle.dahil,isang oras ang pila,bago ka makapasok sa loob nito,at dahil sa sobrang dami ng tao.
kaya ang ginawa namin,inikot namin ang palibot ng castle,at pagkatapos,bumalik kami sa station,para maglunch.
Sa araw ng aming pamamasyal,sumakit ang aking ulo dahil sa pagod at dahil sa hindi maganda ang panahon,kaya inatake ako ng aking migraine.
kaya,nagpasya ang aking asawa na lisanin na namin ang lugar na yon,para ako'y makapahinga.pero kailngan pa namin bumiyahe ng ilang oras,para makarating sa hotel ng osaka.
pero,ganun pa rin ang sitwasyon,pagkarating namin sa osaka,malakas ang ulan,masakit pa rin ang aking ulo.
kaya,di na kami tumuloy sa iba pang lakad namin.
Kinabukasan,pagkagising ko,nawala na ang sakit ng aking ulo.
kaya patuloy kami sa aming iba pang destinasyon,"ang kyoto".
napakahistorikal na lugar ang kyoto,at ito ang pangalawang beses ko ng makarating dito,
isa lamang ang nijo castle,sa may pinakamagandang lugar na maari mong puntahan dito sa kyoto.
At pagkatapos namin sa nijo castle,nagtanghalian muna kami.
para,makapagpahinga bago ang aming biyahe pabalik ng nagoya.
pagkatapos namin naglunch,naglakad lakad muna kami sandali,nakikinood sa mga taong busy sa kanilang picnic sa may sapa,tsaka bumalik sa station ng kyoto.
nung nakarating kami sa station ng kyoto,nagtakbohan na kami ng aking asawa,dahil malapit na pala ang departure ng train,pabalik ng nagoya.
at sa nagoya,andoon lahat ang aming mga kapamilya at kapuso.
kaya,sa aming buong gabi doon,masaya kaming lahat,at sabay-sabay kaming nagkukwentuhan habang naghahaponan.
kaya,kinabukasan ng umaga,habang nilalakad namin ang gilid na kalsada,napansin namin ang kakaibang train na ito.napakyut tingnan.
gusto ko sanang makisakay,kaso lang...wala na kaming extrang oras,para doon.
ito ang aming ticket sa train,kumpleto sa detalye kahit maliit.
at may natutunan kami na pinakamahalang bagay sa aming biyahe.
sa tokyo,tuwing sasakay ka ng escalator at di ka nagmamadali,sa left side ka tumayo.
pero sa kobe,osaka at iba pa,kung di ka nagmamadali...tumayo ka sa right side ng escalator.
pero dito sa pinas,left or right side ng escalator,akupado lahat.

Subscribe to:
Posts (Atom)