01 June 2009

Araw ng Aming Bakasyon

Isa sa pinakasentro ng aming bakasyon,ang panoorin ang pamumulaklak ng sakura tree.
pero naging problema ito,dahil sa pabago bagong panahon,at tuloy nagiging sanhi ng kapalpakan sa aming schedules.
pagkatapos namin nagbreakfast sa nishimura,dito ang sunod naming destinasyon,ang himeji castle.
galing station nagtaxi pa kami,dahil ang akala namin malayo pa,pero pwede naman pala itong lakarin.

Nung nakarating kami sa may himeji castle,tsaka naman bumuhos ang ulan,kaya tuloy di ko nagawa ang gusto ko,na makapasok sa loob ng castle.dahil,isang oras ang pila,bago ka makapasok sa loob nito,at dahil sa sobrang dami ng tao.
kaya ang ginawa namin,inikot namin ang palibot ng castle,at pagkatapos,bumalik kami sa station,para maglunch.

Sa araw ng aming pamamasyal,sumakit ang aking ulo dahil sa pagod at dahil sa hindi maganda ang panahon,kaya inatake ako ng aking migraine.
kaya,nagpasya ang aking asawa na lisanin na namin ang lugar na yon,para ako'y makapahinga.pero kailngan pa namin bumiyahe ng ilang oras,para makarating sa hotel ng osaka.
pero,ganun pa rin ang sitwasyon,pagkarating namin sa osaka,malakas ang ulan,masakit pa rin ang aking ulo.
kaya,di na kami tumuloy sa iba pang lakad namin.


Kinabukasan,pagkagising ko,nawala na ang sakit ng aking ulo.
kaya patuloy kami sa aming iba pang destinasyon,"ang kyoto".
napakahistorikal na lugar ang kyoto,at ito ang pangalawang beses ko ng makarating dito,
isa lamang ang nijo castle,sa may pinakamagandang lugar na maari mong puntahan dito sa kyoto.


At pagkatapos namin sa nijo castle,nagtanghalian muna kami.
para,makapagpahinga bago ang aming biyahe pabalik ng nagoya.

pagkatapos namin naglunch,naglakad lakad muna kami sandali,nakikinood sa mga taong busy sa kanilang picnic sa may sapa,tsaka bumalik sa station ng kyoto.


nung nakarating kami sa station ng kyoto,nagtakbohan na kami ng aking asawa,dahil malapit na pala ang departure ng train,pabalik ng nagoya.


at sa nagoya,andoon lahat ang aming mga kapamilya at kapuso.
kaya,sa aming buong gabi doon,masaya kaming lahat,at sabay-sabay kaming nagkukwentuhan habang naghahaponan.
kaya,kinabukasan ng umaga,habang nilalakad namin ang gilid na kalsada,napansin namin ang kakaibang train na ito.napakyut tingnan.
gusto ko sanang makisakay,kaso lang...wala na kaming extrang oras,para doon.

ito ang aming ticket sa train,kumpleto sa detalye kahit maliit.



at may natutunan kami na pinakamahalang bagay sa aming biyahe.
sa tokyo,tuwing sasakay ka ng escalator at di ka nagmamadali,sa left side ka tumayo.
pero sa kobe,osaka at iba pa,kung di ka nagmamadali...tumayo ka sa right side ng escalator.
pero dito sa pinas,left or right side ng escalator,akupado lahat.

3 comments:

annie marie. said...

ganda ng bakasyon nyo ate ha.. haha i would seriously love to visit japan someday... kasi andun po ang cousin ko si ate nining... i hope to visit her someday...

thanks for sharing ate ko..

Davamerce said...

Thank you din sweet angel sa iyong mga comments.
da best ka talaga!

sana makapunta ka talaga someday...

ochikeron said...

You went to Nagoya to see the Castle?! How nice!!!
I've never been there!!!

Food you had looks delicious ;)
I envy you!!!