Maraming tao ang nagsidatingan sa japanese garden na ito,karamihan sa kanila mga lolo't lola,at grupo pa.
kaya,nung nakarating kami sa loob ng garden,bumulaga sa amin ang ganda ng sakura.
unang beses ko pa itong nakita sa buong buhay ko,kaya hindi ako nagsawang panoorin ito. kaso lang..ang daming nagpapicture,at parang hindi naman sila natatapos.
kaya,umalis na lang muna kami at inikot namin ang japanese garden na ito.
at napakalinis ang garden na ito,kaso lang...ang mga halaman nila,sa iba't ibang season namumulaklak,kaya ngayon puro green leaves lang ang nakikita ko.
sa bandang gitna nitong garden,meron silang tea house,pero puno naman ito ng mga tao,kaya...hanggang tingin na lamang po kami.
maliban sa mga tanim nila,marami din naman akong nakitang mga pagong,mga isdang pagkalakilaki,at mga lumalangoy na mga bebe.
sana sa ibang season makabalik ako dito sa rikugien garden.
2 comments:
Very nice pictures!!!
Where is this garden?
Is this shinjyuku gyoen?
i believe japan has the most beautiful gardens. the weather and the discipline which is also an art keeps its beauty.
Post a Comment