02 June 2009

Japanese Garden

Maraming tao ang nagsidatingan sa japanese garden na ito,karamihan sa kanila mga lolo't lola,at grupo pa.
kaya,nung nakarating kami sa loob ng garden,bumulaga sa amin ang ganda ng sakura.
unang beses ko pa itong nakita sa buong buhay ko,kaya hindi ako nagsawang panoorin ito. kaso lang..ang daming nagpapicture,at parang hindi naman sila natatapos.
kaya,umalis na lang muna kami at inikot namin ang japanese garden na ito.

at napakalinis ang garden na ito,kaso lang...ang mga halaman nila,sa iba't ibang season namumulaklak,kaya ngayon puro green leaves lang ang nakikita ko.


sa bandang gitna nitong garden,meron silang tea house,pero puno naman ito ng mga tao,kaya...hanggang tingin na lamang po kami.

maliban sa mga tanim nila,marami din naman akong nakitang mga pagong,mga isdang pagkalakilaki,at mga lumalangoy na mga bebe.


sana sa ibang season makabalik ako dito sa rikugien garden.

01 June 2009

Araw ng Aming Bakasyon

Isa sa pinakasentro ng aming bakasyon,ang panoorin ang pamumulaklak ng sakura tree.
pero naging problema ito,dahil sa pabago bagong panahon,at tuloy nagiging sanhi ng kapalpakan sa aming schedules.
pagkatapos namin nagbreakfast sa nishimura,dito ang sunod naming destinasyon,ang himeji castle.
galing station nagtaxi pa kami,dahil ang akala namin malayo pa,pero pwede naman pala itong lakarin.

Nung nakarating kami sa may himeji castle,tsaka naman bumuhos ang ulan,kaya tuloy di ko nagawa ang gusto ko,na makapasok sa loob ng castle.dahil,isang oras ang pila,bago ka makapasok sa loob nito,at dahil sa sobrang dami ng tao.
kaya ang ginawa namin,inikot namin ang palibot ng castle,at pagkatapos,bumalik kami sa station,para maglunch.

Sa araw ng aming pamamasyal,sumakit ang aking ulo dahil sa pagod at dahil sa hindi maganda ang panahon,kaya inatake ako ng aking migraine.
kaya,nagpasya ang aking asawa na lisanin na namin ang lugar na yon,para ako'y makapahinga.pero kailngan pa namin bumiyahe ng ilang oras,para makarating sa hotel ng osaka.
pero,ganun pa rin ang sitwasyon,pagkarating namin sa osaka,malakas ang ulan,masakit pa rin ang aking ulo.
kaya,di na kami tumuloy sa iba pang lakad namin.


Kinabukasan,pagkagising ko,nawala na ang sakit ng aking ulo.
kaya patuloy kami sa aming iba pang destinasyon,"ang kyoto".
napakahistorikal na lugar ang kyoto,at ito ang pangalawang beses ko ng makarating dito,
isa lamang ang nijo castle,sa may pinakamagandang lugar na maari mong puntahan dito sa kyoto.


At pagkatapos namin sa nijo castle,nagtanghalian muna kami.
para,makapagpahinga bago ang aming biyahe pabalik ng nagoya.

pagkatapos namin naglunch,naglakad lakad muna kami sandali,nakikinood sa mga taong busy sa kanilang picnic sa may sapa,tsaka bumalik sa station ng kyoto.


nung nakarating kami sa station ng kyoto,nagtakbohan na kami ng aking asawa,dahil malapit na pala ang departure ng train,pabalik ng nagoya.


at sa nagoya,andoon lahat ang aming mga kapamilya at kapuso.
kaya,sa aming buong gabi doon,masaya kaming lahat,at sabay-sabay kaming nagkukwentuhan habang naghahaponan.
kaya,kinabukasan ng umaga,habang nilalakad namin ang gilid na kalsada,napansin namin ang kakaibang train na ito.napakyut tingnan.
gusto ko sanang makisakay,kaso lang...wala na kaming extrang oras,para doon.

ito ang aming ticket sa train,kumpleto sa detalye kahit maliit.



at may natutunan kami na pinakamahalang bagay sa aming biyahe.
sa tokyo,tuwing sasakay ka ng escalator at di ka nagmamadali,sa left side ka tumayo.
pero sa kobe,osaka at iba pa,kung di ka nagmamadali...tumayo ka sa right side ng escalator.
pero dito sa pinas,left or right side ng escalator,akupado lahat.

31 May 2009

Bisita Day sa Kobe

Galing tokyo station,sumakay kami ng nozomi bullet train,ito ang una kong pagkakataon na sumakay sa pinakamalakas na bullet train ng japan.
mahigpit ang seguridad ng kanilang station,maliban sa mga security cameras na nasa palibot,may mga police din na nagbabantay na di mo namamalayan,na mukhang pasahero din na katulad ko.


at dahil malayo pa ang aming biyahe,namili muna kami ng snacks,para di kami magutom,at bumili na rin kami ng bento para sa aming tanghalian.


at ito na ang aking lunch!!!

Pagkarating namin sa shin-kobe,napansin ko kaagad ang bukirin na bahagi ng kobe.
at sa labas ng aming hotel,nakikita ko ang bundok.


at sa kabilang side naman ay dagat na bahagi.
dahil nung papunta pa lamang po kami sa bahay ng aming kaibigan,tabing dagat dumadaan ang train.



Kinabukasan ng umaga,di na namin kinain ang breakfast sa hotel.dahil gusto ng aking asawa,na kumain kami dito sa nishimura's coffee shop.
dahil masarap at famous ito dito.






after namin nabisita ang friend,at kumain sa masarap na breakfast ng nishimura.
tumungo naman kami sa iba pang lugar kagaya ng kyoto.
pero may pinuntahan din kami na iba,maliban sa kyoto.

28 May 2009

Agahan at Tanghalian sa Shuzenji

Dahil nahirapan kumuha ng reservation sa isang hotel si ate mayumi,nagpasya na lang s'ya sa isang japanese style hotel kami tumuloy.
at kinabukasan ng umaga,ito ang pagkain na inihain nila para sa amin.


dahil sa sobrang dami,di ko kinayang ubosin ang inihanda nilang pagkain sa amin.
at sigurado ako dito,sinugbang matambaka.

dried soba,na sinabawan(di ako sure)ang sarap talaga nito

brown rice lugaw,ito masarap talaga!

pagkatapos namin mag-agahan,inikot muna namin ang park nila,temple at iba pa.
at sa tanghalian naman,ito ang una kong natikman,ang mushroom soba,na pagkasarap sarap.

27 May 2009

Calamansi at Insekto

Habang kinukunan ko ang calamansi fruit,napansin ko na may insekto.
kaya,napagkatuwaan ko ito.

Nakyutan ako sa kanya,pero nung kinunan ko s'ya,biglang nagtago paibaba.at kung sa ilalim ko naman s'ya kunan,pupunta s'ya sa itaas.
naawa nga ako sa kanya,pero...nakyutan kase ako.
kaya wala pa rin s'yang nagawa.

23 May 2009

Pusa

Alin ba ang mas gusto mo sa pusang ito.
ang laking pinas?

o ang laking japan?

22 May 2009

Pinas Weather



Nabasa ko ang post ni weng ngayon lang,ang sabi n'ya sobrang init dito sa pinas,nung nagbakasyon s'ya dito.
kaya,naalala ko ang araw na galing kami sa bakasyon sa japan,na sa sobrang lamig doon ,tapos pagbalik mo sa pinas ang init,pakiramdam ko,para akong nilelechon sa sobrang init.
kaya,sa narita pa lang ako,nakunan ko na ang weather report nila.
kaso lang,nung time na yon,summer..kaya sobrang init talaga.
click n'yo na lang ang litrato,para malaman n'yo kung gaano kainit sa pinas.

21 May 2009

Linis Sapatos


Paano ba kayo nagpapalinis ng inyong sapatos?hinihintay di po ba?
Kung tayong mga pilipino,magaling sa hintayan,kabaligtaran naman sa mga japanese.
ayaw nilang,pinaghintay mo sila...kaya,kahit tagalinis ng kanilang sapatos,pinagagawa nila sa kanilang machine.
di tulad sa pinas,kung magpapalinis ka ng iyong sapatos,kailangan mong maghintay ng mga ilang minuto,o hanggang matapos.
kaya,doon sa mga taong pupunta ng pinas,magpraktis kayong mabuti,kung paano pahabain ang inyong pasensiya.

08 May 2009

Train Station Signs

Tuwing nasa train station kami,lagi ko itong natatapakan.
para sa mga babae po lamang...

Itong mga bilog naman,para sa mga bulag na signs.

Ito naman para sa mga taong may mga kapansanan,may karga na anak,lolo at lola at iba pa.


ang dami talagang mga signs na nakikita ko kahit saan,ang problema po lamang,halos nakasulat sa japanese,kunti lang ang english.di ko tuloy maintindihan.

07 May 2009

Davao Horse Show

Kahit sobrang init ng panahon,nanood pa rin kami ng horse show sa may SM davao.
bukod sa mga kabayo na naglalakihan at naggagalingan,kapansin pansin din ang mga taong nasa itaas ng building.
hindi na sila nagtatrabaho,nanonood na sila ng horse show.

02 May 2009

Napakasarap!

Kahit ito'y isang dislay po lamang,ay naku!tulo laway mo.
masarap kase tingnan,para ka na rin kumakain habang nasa iyong harapan.